Miyerkules, Nobyembre 20, 2013


Kung Ka-Klase Kita Noong Circa '70


Grade 1- Sa  San Mariano East. Si Mrs. Magbitang pinababasa ako at kinukukuhan ang mga estudyanteng mahaba ang kuko. Nagpadala ng laruan para ipaliwanag ‚" Harmonica‚" ang dala ko. si Nilo ay manyika. Nagka meeting di natuloy. Si Islaw - Wenseslao ay kaklase ko.

Grade 2- Mrs. Valino: New Kid  sa San Mariano West. Bad boy ako sinuntok ko si Ruel Grade 1 kasi inaasar ang pinsan ko. Pati si Elson nakasuntukan ko. si Cristina naitulak ko. ‚"‚I'm very sorry Cristina."May libreng palboron at gatas. libangan manghuli ng tutubi o maghampas ng tipaklong sa school ground. Naglalaro sa mga hukay na may tubig sa daan pag umuulan at uuwi.

Grade 3- Huhulaan mo ang numero na isinulat ni Mr. Magno para ka mag-kalibro. May mga bote sa gilid na may tubig na may mga patay na hayop at insekto. Lumalabas na rin yong mga sosy na ka-eskwela. May mga color na double may lapis na bensia, may pencil case na bilog, at nagiipon ng coloring paper na free sa art candy. Umiyak si Enrico kasi nilagyan ni Melinda ng bubble gum sa ulo sa inis ayon di nya maalis. Pinatawag sila Rodolfo kasi nanunuod ng mga kaeskwelang nag Chinese garter pagkatapos sasabihin ang kulay ng panty. ‚"Pula, ay Dilaw... ha..ha..ha..ha. Tuloy pa rin ang nutri-bun, may ibinigay pang Quaker at burgor na ayaw naman naming kainin noon. Isang bata, isang kilo. Yung burgor ginawang kape ni lola. Ginawang parang Egg Hunt bago mag- Christmas vacation Si Ernel nanalo kc nakakita at nakakuha ng itlog na maliit itinago sa compound ng school pero di nanalo sa palasebo na puno ng saging. Usong laro Tumbling. Magipon ng pakete ng sigarilyo itataya sa Cara Y Cruz.  Nananapat pag uwi ang labas sa Tabon sa likuran ng kono. Mais at sibuyas ang tanim sa garden flat.  May Flute na plastic na kulay green si Mr. Magno at itinotono.  Last year na ni Daisy at Ernel lumipat na sila ng school noong Grade-4.

Grade 4-Puro kanta lang kay Mrs. Villarico tapos pinakokopya yong artwork ng anak nya. Yung mga babae pinagluluto sa likuranbago magtanghalian. Malaki ang room kaya ginagawang bendingan ng mga babae. Nag test ng lakas ng estudyante may pagtatapatin at magtatakbuhan si Bernie ang katapat ko. Ako unang nakatapos. Si Intoy ang new kid on the school. Pag-uwian sila Juvy kasabay kong umuwi.

Grade 5-  Nang mag leave si Mrs. Angeles si Mr. Matunan ang pumalit. Love noong nga bata kasi mapagkwento at noong umalis nalunkot ang marami. Hate nila si Mrs. Magno, Science teacher kasi estrickto pero ma re-realize mo na sa pagtuturo talaga siya.Umaakyat ako sa puno ng Banaba sa tabi ng room kumukuha ako ng dahon na ginagawang tsaa ni lola. Tanim sa garden Kamatis. Ipinagpalit ko ng manga ang picture ni Winnie Santos kay Angelita, kasi yung mga babae paborito Apat na Sikat. "Carinosa‚" ang sayaw sa stage.. Tanana-na-nan-ta-na-na-nan. Si Marilou ang patner ko kasi pareho kaming maliit. Nag brown-out umuwi na ako di na namin hinintay magkailaw. dahil nakasayaw na. 

Grade 6- Tan-na- na-nan-nanan "Let‚ Bolt-In". Pinagsama na ang dalawang sekyon kasi kulang ng teacher at medyo konti na lang ang iba ay lumipat na ang iba ay di nagpatuloy. Motto na nakalagay sa room... ‚"Today is the Best  Preparation for Tommorrow‚" pinakabisado ang kantang ‚"Graduation Day"‚ at ipinakakanta sa amin yong kantang ‚"Today‚". Kung nakalimutan mo na ang kanta mag search ka sa YouTube kung di ako nakkakamali by Bobby Goldsboro or Clen Campbell ang nagturo si Miss Bernabe. Bilib si Mam Estrella sa nanay ni Elson kasi umuwi para lang sa meeting sa graduation. Sayaw ‚"El Bimbo". Naglakad papuntang lote sa bahay ni Mrs. Estrella nag paktis. Si Angelina ang bida sa Drama.

Kung akala mo kulang ang pagkabata mo...Think twice...Dahil Tag-ulan man o Tag-araw, Tag-ani man o Taniman ay masaya pa rin kakapagtatakbuhan tayo sa walang semento o aspaltong kalsada na walang mga basag na bote o pako na tumitimo sa ating mga paa. Nakakasalubong ang mga kalabaw na may hilang kariton o paragos. Kumakain ng mais o tubo habang papasok o pauwi. Maraming makukulay na tutubi na umaaligid. Kung sasabihin natin na mahirap lang tayo noon dahil wala ng ibang bagay. Sa palagay ko tayo ang mga batang pinakamayaman sa naging adventura ng buhay.

(Teka... bakit naiyak ako)

Sa mga naging kaklase ko‚" Salamat sa isang makulay na pahina ng paglalakbay".  

Martes, Nobyembre 19, 2013


ARTIST DAW?

Sabi nila karamihan sa artist ay sira ang -ulo. Hindi totoo dahil kami ang nagpapaintindi ng mga bagay na di maintindihan o gumagawa ng paraan para makita ang di nakikita kahit ito ay isang kasinungalingan. Nabigyan ng mukha si Kamatayan. Nagkasungay si Satanas at may tinidor na dala, napalipad si Superman kahit kapa lang at walang pakpak. At ang malala nakalipad si Darna dahilan sa bahag. hindi kaya mas sira ang ulo ng mga napaniwala.

Sasabihin mo sigurong weird ako pag sinabi kong gusto kung pintahan ang mga nitso ng cartoon characters. Tatawa ka siguro ng tatawa. Bakit ba habang nandyan kasi tayo sa sementeryo ay lungkot ang nadadama. Di ba mas maganda na masaya. At kung may magtatanong ng ganito ‚"Nasaan ang puntod ng nanay mo?‚" ay masasagot mo‚"Ayun nakikita mo ba si Dora the Explorer iyon‚" eh bakit Dora‚"Mahilig kasi siyang mag travel‚" o kaya naman ay mga shapes" Nandoon ang mga ninuno ko sa Polka Dots na Red na nitso".  Syempre sisikat din ang bayan. " San Antonio Bayang may Masayang mga Nitso"

Ang artist kasi kung minsan ay mahirap maunawaan parang walang katapusan ang ibibigay sa yong idea Unlimited.

Lunes, Nobyembre 18, 2013



Kabalyero at Golden Shower

Pag buwan ng Abril, Mayo hanggang Hunyo nagkakaroon ng Magic ang puno ng Kabalyero at Golden Shower.  Mamamangha ka dahil halos wala itong mga dahon at ang makikita mo ay ang mga bulaklak na nakakabit sa kanilang sanga. Minsan sa isang taon mo lang ito makikita at pagkatapos noon maghihintay ka na naman ng panibagong taon.

Matagal na rin akong di nagpipinta. Gusto kong bumalik sa pintura at canvas pero parang di pa maamo ang panahon marami pang dapat gawin. Marami pang mga dahon na sumisibol sa aking buhay kaya di pa muling nagkakatalulot ang aking isipan upang gumuhit o ipinta ang bunga ng imahinasyon.

Di ko pa matanto kung kaylan darating ang pahahong iyon. Panahon na muling mamumulaklak ang isipan sa dami ng konsepto.