Kung Ka-Klase Kita Noong Circa '70
Grade 1- Sa San Mariano East. Si Mrs. Magbitang pinababasa ako at kinukukuhan ang mga estudyanteng mahaba ang kuko. Nagpadala ng laruan para ipaliwanag ‚" Harmonica‚" ang dala ko. si Nilo ay manyika. Nagka meeting di natuloy. Si Islaw - Wenseslao ay kaklase ko. Grade 2- Mrs. Valino: New Kid sa San Mariano West. Bad boy ako sinuntok ko si Ruel Grade 1 kasi inaasar ang pinsan ko. Pati si Elson nakasuntukan ko. si Cristina naitulak ko. ‚"‚I'm very sorry Cristina."May libreng palboron at gatas. libangan manghuli ng tutubi o maghampas ng tipaklong sa school ground. Naglalaro sa mga hukay na may tubig sa daan pag umuulan at uuwi.
Grade 3- Huhulaan mo ang numero na isinulat ni Mr. Magno para ka mag-kalibro. May mga bote sa gilid na may tubig na may mga patay na hayop at insekto. Lumalabas na rin yong mga sosy na ka-eskwela. May mga color na double may lapis na bensia, may pencil case na bilog, at nagiipon ng coloring paper na free sa art candy. Umiyak si Enrico kasi nilagyan ni Melinda ng bubble gum sa ulo sa inis ayon di nya maalis. Pinatawag sila Rodolfo kasi nanunuod ng mga kaeskwelang nag Chinese garter pagkatapos sasabihin ang kulay ng panty. ‚"Pula, ay Dilaw... ha..ha..ha..ha. Tuloy pa rin ang nutri-bun, may ibinigay pang Quaker at burgor na ayaw naman naming kainin noon. Isang bata, isang kilo. Yung burgor ginawang kape ni lola. Ginawang parang Egg Hunt bago mag- Christmas vacation Si Ernel nanalo kc nakakita at nakakuha ng itlog na maliit itinago sa compound ng school pero di nanalo sa palasebo na puno ng saging. Usong laro Tumbling. Magipon ng pakete ng sigarilyo itataya sa Cara Y Cruz. Nananapat pag uwi ang labas sa Tabon sa likuran ng kono. Mais at sibuyas ang tanim sa garden flat. May Flute na plastic na kulay green si Mr. Magno at itinotono. Last year na ni Daisy at Ernel lumipat na sila ng school noong Grade-4.
Grade 4-Puro kanta lang kay Mrs. Villarico tapos pinakokopya yong artwork ng anak nya. Yung mga babae pinagluluto sa likuranbago magtanghalian. Malaki ang room kaya ginagawang bendingan ng mga babae. Nag test ng lakas ng estudyante may pagtatapatin at magtatakbuhan si Bernie ang katapat ko. Ako unang nakatapos. Si Intoy ang new kid on the school. Pag-uwian sila Juvy kasabay kong umuwi. Grade 5- Nang mag leave si Mrs. Angeles si Mr. Matunan ang pumalit. Love noong nga bata kasi mapagkwento at noong umalis nalunkot ang marami. Hate nila si Mrs. Magno, Science teacher kasi estrickto pero ma re-realize mo na sa pagtuturo talaga siya.Umaakyat ako sa puno ng Banaba sa tabi ng room kumukuha ako ng dahon na ginagawang tsaa ni lola. Tanim sa garden Kamatis. Ipinagpalit ko ng manga ang picture ni Winnie Santos kay Angelita, kasi yung mga babae paborito Apat na Sikat. "Carinosa‚" ang sayaw sa stage.. Tanana-na-nan-ta-na-na-nan. Si Marilou ang patner ko kasi pareho kaming maliit. Nag brown-out umuwi na ako di na namin hinintay magkailaw. dahil nakasayaw na.
Grade 6- Tan-na- na-nan-nanan "Let‚ Bolt-In". Pinagsama na ang dalawang sekyon kasi kulang ng teacher at medyo konti na lang ang iba ay lumipat na ang iba ay di nagpatuloy. Motto na nakalagay sa room... ‚"Today is the Best Preparation for Tommorrow‚" pinakabisado ang kantang ‚"Graduation Day"‚ at ipinakakanta sa amin yong kantang ‚"Today‚". Kung nakalimutan mo na ang kanta mag search ka sa YouTube kung di ako nakkakamali by Bobby Goldsboro or Clen Campbell ang nagturo si Miss Bernabe. Bilib si Mam Estrella sa nanay ni Elson kasi umuwi para lang sa meeting sa graduation. Sayaw ‚"El Bimbo". Naglakad papuntang lote sa bahay ni Mrs. Estrella nag paktis. Si Angelina ang bida sa Drama.
Kung akala mo kulang ang pagkabata mo...Think twice...Dahil Tag-ulan man o Tag-araw, Tag-ani man o Taniman ay masaya pa rin kakapagtatakbuhan tayo sa walang semento o aspaltong kalsada na walang mga basag na bote o pako na tumitimo sa ating mga paa. Nakakasalubong ang mga kalabaw na may hilang kariton o paragos. Kumakain ng mais o tubo habang papasok o pauwi. Maraming makukulay na tutubi na umaaligid. Kung sasabihin natin na mahirap lang tayo noon dahil wala ng ibang bagay. Sa palagay ko tayo ang mga batang pinakamayaman sa naging adventura ng buhay.
(Teka... bakit naiyak ako)
Sa mga naging kaklase ko‚" Salamat sa isang makulay na pahina ng paglalakbay".
Di po ba iba na ang pangalan ng San Mariano West?
TumugonBurahin