LP at CD
Sabihin mo man na ayaw mo ng pagbabago wala kang magagawa
kundi tanggapin ito. Masasabi mo ring mapalad ka at may silbi kung tinatanong ka ng anak mo kung ano iyon o ano ito at naipaliliwanag mo ng tama.
Nagkwento sa akin ang anak ko tungkol sa Aratiles. Tinanong sila
kung sino ang di pa nakakaalam noon. Tama ka, meroon kahit sa probinsya. Di naman nakapagtataka, kasi iba na ang panahon nila, marami na rin kasi na nasa probinsya ang nangungupahan at ang iba naman ay halos wala ng lugar ang mga halaman. Kaya ang aratiles na di mo nakikita sa palengke at tindahan ay di mo malalaman.
Bakit ba ako nanghihinayang sa mga panahon na uso pa ang plaka na 45 ( isang kanta lang bawat side). Siguro sa kadahilanang di kami nagkaroon noon at di ko nakuhang magpatugtog sa phono
hanggang makasira ng karayom (tawag sa bumabasa ng lalim o babaw ng mga animo linya sa plaka). Ang alam ko lang kasi noon pag mag-gragraduation at kasali ka sa sayaw ayon laging meron sa school, na pagka nagasgasan ay paulit-ulit ang tunog. At ang guro na nagtuturo ay ang tanging alam na solusyon sa gasgas ay lagyan ng chalk.
Nakarating ako ng bayan noong ako ay High School. Puro lakad lang at kung minsan ay nakaangkas sa bisekleta ng kaklase. Doon may narinig akong tugtog, pero di na galing sa phono kundi sa parang maliit na aparador at hinuhulugan ng barya. Jukebox ang tawag pero kung sisilipin mo ay makikita mo parin ang nga plakang 45 na nakaayos sa loob.
Pag may Chrismas Party sa school ay mayroon sa bawat room na phono at mga plakang 45.at ganoon lang masaya na.
Subalit di nagtagal ay halos ayaw ng bumili ng 45 dahil dumating ang LP o Long Playing Records na mas maraming tugtog o kanta anim o higit pa sa bawat side o baligtaran.
Ilang dekada din ang naging buhay ng LP nagtagal ito hangang 1990's nakipagsabayan sa cassette tapes napatugtog sa mga mobile disco at kung ano anong mixing ang ginagawa. Subalit tulad din ng
manganganta na nalalaos, nagpaalam din ang kanyang kasikatan.
Dumating si CD, Compact Disc, pulido ang tugtog di nagagasgas na akala moy di malalaos. Subalit heto na naiinis ka na rin sa kanya dahil wala ng ispasyo sa bahay o bag para sa kanya.
kaya kailangan mo nalang na magdownload ng kanta na kahit sa mobile phone mo ay pwede ng mapakingan at ulitulitin pa.
Kaya kung magtatanong ang anak ko kung ano ang plastic na itim na bilog na malapad, may butas sa gitna at binibili ng antique collector ng 50 pesos ay may isasagot ako.
Swerte pa rin pala ako dahil nakapagdesign pa ako ng mga cover nito bago mawala sa record bar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento