pentimento |ˌpentəˈmentō|
noun ( pl. -menti |-ˈmentē|)
a visible trace of earlier painting beneath a layer or layers of paint on a canvas.
Nahilig din ako sa libro, sa pagbabasa noong binata pa ako, pag walang ginagawa. Nagkakalkal at tumitingin sa mga paperback na walang takip, may water damage at kung ano ano pang pagkasira na di naman nakaka apekto sa mga panloob na pahina ng libro.
Nakabili ako noon ng lumang libro at ito ang title "Pentimento". Ang pakikisalamuha ng novelista sa bawat bahagdan ng buhay, Maikukumpara natin na minsan lahat tayo ay pintor na binigyan
ng isang canvas, isang set ng pinta na lahat ng kulay ay naroon, mga brush at kung ano ano pang kailangan sa pag-guhit.
May gumuguhit na diretso at tiyak na ito ang kanyang gusto. May ilan namang nagbubura dahil di alam kung anong ang gustong iguhit sa dami ng idea at nasa isip. Ang iba naman ay halos tapos na ang naipinta at ito ay buo na ngunit nagbago ng pagiisip at pinatungan ng panibagong pinta ang natapos na na obra.
Sa paglipas ng panahon kung minsan ay gusto mong balikan ang mga simpleng guhit ng buhay, ngunit di mo na magawang makita ang tunay na kulay nito. Naaaninag mo pa rin sa isip at gunita subalit di tulad ng dati na napakalinaw dahil may bahid at patong na ng kasalukuyang kulay ng buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento